Isang tulay na nasa isla ng Eleuthera ang naghihiwalay sa Atlantic Ocean at Carribean Sea. Magkaiba ang kulay sa dalawang tubig na ito. Nasira ng bagyo ang tulay na namamagitan sa kanila. Mga piraso ng salamin na lamang ang natira mula sa nasirang tulay. Tinuturing na pinakamakipot na lugar ang tulay na ito sa mundo.

Sa Biblia naman, may binanggit din tungkol sa makipot na daan. Ayon dito, may makipot na daan patungo sa buhay na walang hanggan, at kakaunti lang ang nakakatagpo rito (Mateo 7:14). Makipot ang daan dahil si Jesus ang nagsisilbing tulay para makalapit tayo sa Dios at sa Banal na Espiritu (Tal. 13-14, Tingnan ang Juan 10:7-9; 16:13).

Makakalapit sa Dios at magkakaroon ng buhay na walang hanggan ang lahat ng taong magtitiwala sa dakilang ginawa ng Panginoong Jesus. Magkakasama tayong lahat na magpupuri sa kaharian Niya (Pahayag 5:9).

Hindi tayo maaaring lumapit sa Dios dahil sa mga kasalanan natin. Pero dahil sa dakilang ginawa ni Jesus doon sa krus, maaari tayong makalapit sa Dios at makapunta sa langit kung pagtitiwalaan natin Siya. Siya ang makipot at tanging daan patungo sa langit. Para sa lahat ng tao ang mensahe ng dakilang pag-ibig na inalay ni Cristo sa krus. Napakabuti ng Dios dahil Siya na mismo ang gumawa ng paraan para makalapit tayo sa Kanya. Maibahagi nawa natin sa iba ang kabutihang ito.