Mayroong pagmamay-aring gym si Jerry. Napilitan siyang isara ang negosyo niya noong pandemya. Walang kinita ang negosyo niya dahil sa pangyayaring ito. Isang araw, nakatanggap siya ng text mula sa kaibigan niya. Nais makipagkita ng kaibigan ni Jerry sa lugar kung nasaan ang negosyo niya.
Nakipagkita pa rin si Jerry sa kanyang kaibigan, kahit na, naguguluhan siya. Nagsimulang pumarada ang mga sasakyan sa harapan ng negosyo niya. Sakay ng mga sasakyan ang mga taong nagbigay ng tulong sa kanya. Nag-abot ng pinansiyal na tulong ang iba. Samantalang ang iba naman ay pinalakas ang loob ni Jerry. Nagpakita sila ng pagmamahal sa kanya.
Ayon din naman kay Apostol Pablo, isang sakripisyo ang tunay na pagmamahal. Pinaliwanag niya sa mga taga-Corinto na nagkaloob ang mga taga-Macedonia nang higit pa sa kaya nilang ibigay para tulungan ang mga apostol (2 Corinto 8:3). Nagpaabot ang mga taga-Macedonia na nais nilang tumulong sa mga lingkod ng Dios. Si Jesus ang naging halimbawa nila tungkol sa pagmamahal at pagbibigay sa iba. Iniwan ni Jesus ang magandang kalagayan Niya sa langit para maglingkod at ialay ang Kanyang sarili para sa atin, “na kahit na mayaman Siya doon sa langit ay nagpakadukha Siya dito sa mundo” (Tal. 9).
Humingi nawa tayo ng tulong at gabay sa Panginoon para ipakita ang tunay na pagmamahal sa pamamagitan ng pagbibigay at pagtulong sa iba.