“Hindi ko maunawaan ang plano ng Dios. Ipinagkatiwala ko sa Kanya ang buhay ko at sumunod ako sa Kanya, pero ganito pa rin ang nangyari!” Ito ang nasabi ng isang bata sa nanay niya nang hindi matupad ang pangarap niya na maging isang atleta.
Nakararanas din naman tayo ng mga hindi inaasahan at nakalulungkot na pangyayari sa buhay natin. Dahil dito, maraming mga tanong ang nabubuo sa isip natin dahil sa mga pagsubok natin.
Sa Biblia naman, nasusulat sa Job 1-2 ang mga pagsubok na naganap sa buhay ni Job. Sa pamantayan ng tao, hindi nararapat makaranas ng ganitong paghihirap si Job. “Matuwid siya, walang kapintasan ang pamumuhay, may takot sa Dios at umiiwas sa kasamaan” (Job 1:1). Pero hindi ito ang realidad ng buhay. Makaka-ranas ang lahat sa atin ng pagsubok. Nang makaranas ng matinding problema si Job, kinausap siya ng asawa niya. “Ano, tapat ka pa rin ba sa iyong Dios? Sumpain mo na Siya at nang mamatay ka na!” (2:9). Pero nagtitiwala si Job sa Dios. Sumagot siya, “Mabubuting bagay lang ba ang tatanggapin natin mula sa Dios at hindi ang masasama? Sa kabila ng lahat ng nangyari kay Job ay hindi siya nagkasala kahit sa pananalita” (Tal. 10). Kahit ano pa man ang dinanas ni Job, nagtiwala Siya sa kabutihan ng Panginoon.
Humingi tayo ng tulong sa Dios na pagkalooban Niya tayo ng kalakasan. Magtiwala tayo sa Kanya sa tuwing humaharap tayo sa mga pagsubok. Makakaasa tayo sa tulong at paggabay ng Dios.