Dahil sa kudeta, nawalan ng trabaho ang tatay ni Sam. Dahil doon, hindi na nila mabili ang gamot na kailangan ng kapatid ni Sam. Naitanong tuloy ni Sam sa Dios, “Ano ang nagawa namin upang maghirap kami ng ganito?”
Nalaman ng isang sumasampalataya kay Jesus ang tungkol sa problema ng pamilya ni Sam. Binili niya ang mga kailangang gamot ng kapatid ni Sam at ibinigay sa kanila. Nagkaroon ng malaking epekto sa pamilya ni Sam ang pagtulong na ito ng isang taong hindi naman nila kilala. Sinabi ng nanay ni Sam, “Sa darating na Linggo ay magsisimba tayo sa kanilang simbahan.” Unti-unting nawala ang galit sa puso ni Sam at bawat isa sa kanyang pamilya ay nagtiwala kay Jesus.
May isinulat din naman si Santiago tungkol sa kahalagahan ng pagtulong sa iba ng isang mananampalataya. “Halimbawa, walang maisuot at walang makain ang isang kapatid, at sasabihan mo, “Pagpalain ka ng Dios at hindi ka sana ginawin at magutom,” pero hindi mo naman siya binigyan ng kailangan niya, may nagawa ba itong mabuti?” (2:15-16).
Ipinapakita ng ating mga ginagawa kung tunay ang ating pananampalataya sa Dios. Maaaring magkaroon ng epekto ang mga ginagawa natin upang ang ibang tao ay magtiwala rin sa Dios. Katulad na lamang ni Sam naging pastor siya sa tulong ng iba. Kinilala ni Sam ang taong iyon bilang taong nagpakita sa kanila ng pagmamahal ni Jesus.