Isang sikat na tagapagturo ng Biblia si Billy Graham. Inamin niya na may pagkakataon sa kanyang buhay na nahirapan siyang tanggapin na totoo ang lahat ng nakasulat sa Biblia. Minsan, habang naglalakad siya sa isang kagubatan, lumuhod siya at nanalangin hawak ang kanyang Biblia, “O Panginoong Dios, napakaraming bagay sa Biblia ang hindi ko maunawaan.”
Nang inamin ni Graham sa Dios ang kanyang nararamdaman, sinabi niya na kumilos ang Banal na Espiritu para masabi niya na, “Panginoon, tatanggapin ko po nang may pagtitiwala ang Biblia bilang Inyong salita.” Sa pagkakataong iyon napagtagumpayan ni Graham ang mga gumugulo sa kanyang isipan.
May pagsubok din naman na naranasan si Propeta Jeremias sa kanyang buhay. Pero sa kabila nito, nanangan siya sa Salita ng Dios upang malaman ang sagot sa kanyang mga katanungan. “Noong nagsalita Kayo sa akin, pinakinggan ko po Kayo. Ang mga salita po Ninyo ay kagalakan ko,” (Jeremias 15:16). Sinabi rin ni Jeremias na, “Ang mga salita N’yo ay parang apoy na nagniningas sa puso at mga buto ko,” (Jeremias 20:9). Ayon naman sa tagapagturo ng Biblia na si Charles Spurgeon, naging matapat daw na tagapaglingkod ng Dios si Propeta Jeremias dahil sa lubos Niyang pagmamahal sa Salita ng Dios.
Kahit marami rin tayong hindi maunawaan si Biblia, patuloy nating pag-aralan ang Biblia nang may pananampalataya. Ito pa rin ang magbibigay sa atin ng karunungan at pag-asa sa buhay na ito.