Minsan, niyaya ko ang aking matalik na kaibigan na kumain sa labas ng bahay. Lubos akong nagpapasalamat sa Dios dahil sa aking matalik na kaibigan. Isa siya sa mga taong tanggap kung sino ako kaya naikukuwento ko sa kanya ang maraming bagay na tungkol sa akin. Pero may mga bagay na hindi ako naikukuwento sa kanya katulad ng mga nagagawa kong kasalanan.
Hindi ko man masasabi ang lahat sa aking kaibigan, sinasabi ko naman sa Dios ang lahat.
Mababasa naman natin sa Biblia sa Salmo 139, kung paano inilarawan ang magandang relasyon natin sa Makapangyarihang Dios. Lubos Niya tayong nakikilala (Tal. 1). Nalalaman Niya ang lahat ng ating ginagawa (Tal. 3). Nais Niyang ipagkatiwala natin sa Kanya ang lahat ng bumabagabag sa ating isipan at mga tukso na ating hinaharap. Kung bukal sa ating puso ang paglapit sa Kanya, kikilos Siya sa ating buhay at babaguhin Niya tayo.
Lubos tayong kilala ng Dios at kahit pa nalalaman Niya ang lahat ng masasama nating ginagawa, lubos pa rin Niya tayong minamahal. Kung isusuko natin ang ating buhay sa Kanya at nanaisin nating mas makilala pa Siya, babaguhin Niya ang ating buhay ayon sa Kanyang kalooban. Siya ang tunay na may-akda ng ating buhay.