Minsan, nagtago ako sa isang kuwarto nang makita ko ang isang taong iniiwasan kong makita. Naiinis kasi ako sa kanyang asal kaya ayaw kong makipag-usap sa kanya.

Sa Biblia naman, mayroon ding hindi magandang relasyon sa isa’t isa ang mga Judio at mga Samaritano. Para sa mga Judio, hindi nila kalahi ang mga Samaritano at may sarili itong mga dios. Ganoon na lamang ang pagkasuklam ng mga Judio sa mga Samaritano kaya mas pipiliin pa nilang maglakbay nang malayo kaysa dumaan sa lugar ng Samaria.

Pero nagkaloob ng kaligtasan si Jesus sa lahat ng tao pati na rin sa mga Samaritano. Kaya pumunta si Jesus sa Samaria upang kausapin ang isang babaeng Samaritana at bisitahin ang lugar na iyon. (Tal. 4-42). Nang bumalik na sa langit si Jesus, ang huling mga sinabi Niya sa Kanyang mga alagad ay ang tularan ang Kanyang halimbawa. Nararapat nilang ipahayag ang Magandang Balita ng kaligtasan sa lahat ng tao, simula sa Jerusalem hanggang Samaria “hanggang sa buong mundo” (Gawa 1:8). Naging isang pagsubok para sa mga apostol ang pumunta sa Samaria dahil kailangan nilang mahalin ang mga taong ayaw nila.

Sinusunod ba talaga natin si Jesus? Tularan natin Siya. Ibigin natin ang hindi kaibig-ibig.