Minsan, habang nakasakay ako sa eroplano, napansin ko kung paano na lamang paglingkuran ng isang babae ang isang matandang babae na nakaupo malapit sa kanya. Binigyan niya ito at pinakain ng mansanas, tinapay at pinunasan pa ng tuwalya ang pinagkainan.
Nang makababa na kami ng eroplano, sinabi ko sa babae, “Napakagandang tingnan kung paano mo asikasuhin at paglingkuran ang kasama mong matandang babae.” Sinabi naman niya sa akin, “Siya ang matalik kong kaibigan. Siya ang aking ina.”
Hindi ba’t magandang pakinggan kung ganoon din ang ating sasabihin patungkol sa ating mga magulang? Maraming mga anak at mga magulang na katulad sa matalik na magkaibigan ang turing sa isa’t isa. Pero may iba na may hindi magandang relasyon sa kanilang mga magulang. Mababasa naman natin sa sulat ni Apostol Pablo kay Timoteo na dapat nating kalingain ang ating sariling pamilya at kamag-anak bilang pagpapakita ng ating takot sa Dios (1 Timoteo 5:4, 8).
Minsan, nagpapakita lamang tayo ng kabutihan kapag ang ating kapamilya ay mabait at mabuti rin sa atin. Pero sinasabi sa atin ni Apostol Pablo ang isa pang magandang dahilan upang magpakita ng kagandahang-loob sa ating mga kapamilya. Kalingain at alagaan natin sila dahil “nakalulugod ito sa Dios” (Tal. 4).