Noong unang panahon naniniwala ang ilan sa mga taga-Roma sa mga dios-diosan. Kinikilala naman nila na pinakamataas na dios si Zeus. Ayon sa isang manunulat na si Virgil, nag-utos si Zeus na magkaroon ang Roma ng isang kaharian na walang katapusan. Pinili rin daw ng mga dios si Augustus bilang dakilang tagapagligtas ng mundo.
Ang mga ganitong paniniwala ang ipinatupad ng mga namumuno sa Roma noon. Ito ang ipinamulat ng imperyo ng Roma sa mga lugar at mga taong nasasakupan nila noon.
Ipinakilala naman ni Apostol Pablo ang kanyang sarili bilang lingkod ni Cristo (Roma1:1). Ipinakilala rin ni Pablo sa mga taga-Roma si Jesus at kung paano Siya naghirap at nagsakripisyo bilang Tagapagligtas ng sanlibutan.
Ipinahayag ni Pablo ang Mabuting Balita sa kanyang sulat para sa mga taga-Roma. Ito ang Mabuting Balitang, “kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng lahat ng sumasampalataya” (Tal. 16). Ito ang Mabuting Balitang kailangang-kailangang marinig ng mga taga-Roma noon. Ang Mabuting Balitang ito ay tungkol kay Jesus na Siyang nagpalaya sa atin sa ating mga kasalanan at Siyang lubos na nagmamahal sa atin.