Minsan, sumulat ako sa aking mga nagbibinatang mga anak. Sinabi ko sa aking sulat ang tungkol sa pagkakakilanlan natin sa Dios bilang Kanyang mga anak. Dahil noong nagbibinata ako, hindi ako sigurado kung ano ang kalagayan ko sa harap ng Dios.

Ngunit, noong nagtiwala ako sa Panginoong Jesus bilang Dios ng aking buhay at aking Tagapagligtas. Nalaman kong minamahal at anak na Niya ako. Inilagay ko pa sa sulat “Ang malaman kung saan ka kabilang ang magsasabi kung sino tayo.” Dahil sa oras na naunawaan nating ang Dios ang lumikha sa atin at magtitiwala tayo sa Kanya, mararanasan natin ang pag-iingat sa atin ng Dios. Malalaman din natin na araw-araw tayong binabago ng Dios upang matulad tayo sa Kanyang Anak na si Jesus.

Sa Deuteronomio 33:12 naman, mababasa natin na bilang mga anak ng Dios, “Mahal ka ni YAHWEH at iniingatan, sa buong maghapon ika’y binabantayan, at sa Kanyang mga balikat ika’y mananahan” (MBB). Sinabi ito ni Moises na mga lingkod ng Dios bago siya mamatay. Pagbabasbas ito ni Moises sa lahi ni Benjamin, habang naghahanda ang mga Israelita na pumasok sa lupang ipinangako ng Dios. Nais maalala ng Dios na minamahal sila ng Dios at ligtas sila sa piling Niya, dahil sila’y mga anak Niya.

Ang malamang anak tayo ng Dios ay mahalaga para sa lahat — sa mga nagdadalaga’t nagbibinata, at maging sa mga matatanda. Magandang maunawaan na nilikha tayo ng Dios at ginagabayan Niya tayo. Mayroon din tayong kaligtasan at pag-asa na nagmumula sa Dios.