Minsan, agad kong sinagot ang telepono ng tumunog ito. Nasa kabilang linya kasi ang pinakamatandang kapamilya namin sa church. Isa siyang masayahin at masipag na babae kahit na malapit na ang edad niya sa 100 taon. Tumawag siya sa akin dahil nagpapatulong siya upang matapos niya ang librong kanyang isinusulat. Ito na rin ang pagkakataon ko upang matanong naman siya tungkol sa kanyang buhay, naging trabaho, sa kanyang buhay pag-ibig noon at sa kanyang pamilya.

Marami akong natutunan sa mga karanasang ikinuwento niya sa akin. Masasabing kong puno ng kaligayahan ang kuwento ng buhay niya.

Nakasaad naman sa Biblia na nagdadala ng kaligayahan ang karunungan. Tulad ng nakasulat sa Kawikaan 3:13, “Mapalad ang taong may karunungan at pang-unawa.” Ang katotohanang ito sa Biblia ay isang katangian na magandang isapamuhay natin. Sinabi pa sa Biblia, “Sapagkat lalong lalawak ang iyong karunungan at magbibigay ito sa iyo ng kaligayahan” (Kawikaan 2:10). Dahil “ang karunungan, kaalaman, at kaligayahan ay ipinagkakaloob ng Diyos sa lahat ng kinalulugdan niya” (Mangangaral 2:26 MBB). Dagdag pa sa pagkakaroon ng karunungan “Ang kaniyang mga daan ay mga daan ng kaligayahan” (Kawikaan 3:17 ABAB).

Sinabi naman ng manunulat na si C.S Lewis na “Isang seryosong bagay sa langit ang kaligayahan.” Ngunit ang daan patungo roon ay ang karunungan. Masasabi kong namuhay nang may karunungan at kaligayahan ang aking kaibigan sa piling ng Panginoon.