Dahil sa droga, muntik ng masira noon ang buhay ng isang tanyag na manlalaro ng baseball na si Darryl. Ngunit, tinulungan siya ng Panginoong Jesus na makalaya sa bisyong ito. Sa ngayon, tumutulong at nagtuturo si Darryl sa mga taong nalulong sa droga na sumampalataya rin sila kay Jesus. Naniniwala kasi si Darryl na binago siya ng Dios upang maipakita ang ginawa ng Dios sa kanyang buhay at maghatid ng mensahe sa iba.
Katulad ng ginawa ng Panginoong Jesus kay Darryl. Ginawa rin ito ni Jesus noong pumunta Siya sa Galilea kasama ang Kanyang mga alagad. Mayroong isang lalaki ang sinasaniban ng masamang espiritu ang lumapit sa Kanya. Kinausap ni Jesus ang demonyo sa katawan ng lalaki at pinaalis ito, sa gayon lumaya ang lalaki. Noong aalis na si Jesus sa lugar, nakiusap ang lalaki na sumama. Ngunit hindi pumayag si Jesus, sa halip sinabi Niya sa lalaki. “Umuwi ka sa pamilya mo at sabihin mo sa kanila ang lahat ng ginawa sa iyo ng Panginoon at kung paano ka Niya kinaawaan” (Marcos 5:19).
Hindi na natin nalaman kung anong nangyari sa lalaking ito, ngunit mababasa natin sa Biblia na pinaalis ng mga tao si Jesus noon (Tal. 17), ngunit noong magbalik Siya dito, maraming tao ang nagtipon (8:1). Dahil kaya ito sa lalaking pinauwi ni Jesus? Maaari kayang ang lalaking sinaniban ng masamang espiritu noon ang unang nagpalaganap ng Magandang Balita tungkol kay Jesus?
Hindi man natin malaman ang buong kuwento. Isa lang ang malinaw. Noong nagtiwala tayo sa Dios. Ginawa na Niyang mensahe ng pag-asa at pagmamahal ang ating madilim na nakaraan.