Sa Lometa, Texas, nakatira ang kakilala kong may-ari ng isang lupain. Sumasama ako sa kanya kapag pumupunta siya sa bayan. Nakasunod ako sa kanya habang namimili at nakikipagkuwentuhan siya sa kanyang mga kakilala. Kilala niya silang lahat sa pangalan at alam din niya ang mga kuwento nila.
Paminsan-minsan tumitigil siya at magtatanong kung magaling na ang mga batang nagkasakit o ang pamilya nila. Nagbabahagi rin siya ng mga kuwento galing sa Biblia. Ipinagdadasal din niya sila kung sa tingin niya ito ang kailangan. Hindi ko makakalimutan ang taong ito. Mayroong kakaiba sa kanya. Hindi niya kailanman ipinagpilitan ang kanyang pagtitiwala sa Dios kaninuman, pero parang lagi niya itong iniiwan.
Ang kakilala kong ito marahil ang sinasabi ni Apostol Pablo na “mabangong handog na iniaalay ni Cristo” (2 Corinto 2:15). Siya ang ginawang paraan ng Dios “para ipakilala si Cristo sa mga tao. At ipinapalaganap ang parang halimuyak ng pabango” (Tal. 14). Nasa piling na ng Dios ngayon ang kakilala ko, ngunit nananatili pa rin sa Lometa ang halimuyak niya.
Ayon naman sa manunulat na si C. S. Lewis, “mayroong kakaiba sa mga taong ating nakilala, nakasama at naka-usap.” Dahil nagiging parte na sila ng ating buhay. Kaya naman, kung magkakaroon tayo ng pagkakataon na baguhin ang mga taong nakapaligid sa atin. Lagi nating isipin ang magiging impluwensiya ng ating buhay sa iba katulad ng buhay ni Cristo.