Minsan, binigyan ng isang coach ang isang bata ng bola ng baseball. Ngunit noong, ibinato na niya ang bola sa bata, bigla na lamang itong sinalo ng isang lalaki. Nakuhanan ng video ang pangyayaring ito at pinag-usapan. Tinuligsa ng istasyon ng balita at ng social media ang “bastos” na lalaking ito. Kahit na hindi naman nila alam ang tunay na kuwento. Dahil ang totoo, tinulungan na ng lalaki ang bata na makakuha na isang foul ball. Kaya naman, napag-usapan nila na sa lalaki naman ang susunod na bolang pupunta sa direksyon nila. Sa kasamaang palad, lumipas pa ang isang araw bago lumitaw ang totoong nangyari. Nasira na ang buhay ng isang inosenteng tao.
Kadalasan, akala natin alam na natin ang lahat, pero bahagi lamang pala ito. Sa panahon natin ngayon, kung saan napapanood natin ang mga madramang tagpo ng mga video at matatapang na komento ng mga tao. Madali para sa atin ang manghusga ng tao kahit hindi natin alam ang buong kuwento. Kasabay nito ipinapaalala sa atin ng Kasulatan na “Huwag kayong magbabalita ng kasinungalingan” (Exodus 23:1).
Kailangan nating gawin ang lahat ng paraan upang malaman ang katotohanan bago tayo manghusga, upang masiguro na hindi tayo makasama sa kasinungalingan. Maging maingat din tayo sa paglalabas ng ating damdamin at panghuhusga. Upang hindi natin “masunod ang opinyon ng karamihan” (Tal. 2).
Bilang mga nagtitiwala kay Jesus, tulungan nawa tayo ng Dios na huwag magkalat ng kasinungalingan. Bigyan nawa tayo ng Dios ng kaalaman upang katotohanan lamang ang salitang ating sasabihin.