Sa ilang mga makabagong teknolohiya ngayon, may mga voice assistant na tumutulong sa atin tulad nina Alexa at Siri. Pero, minsan hindi naiintindihan ng mga ito ang ating mga sinasabi. Katulad na lamang ng nangyari sa isang anim na taong bata. Kinausap niya ang voice assistants tungkol sa cookies at bahay ng mga manika.
Kalaunan, nakatanggap ang ina ng bata ng isang email na mayroong darating sa kanila na pitong toneladang cookies at bahay ng manika na may halagang 170 dolyar. Ganito rin ang nangyari sa London, isang parrot naman ang umorder online ng isang gintong regalo. Mayroon ding isa na nag-utos sa kanilang device ng ganito “Patayin ang ilaw sa sala,” sumagot naman ang device “walang tinapay sa kuwarto.”
Hindi naman natin mararanasan ang mga ganitong hindi pagkakaintindihan sa tuwing kakausapin natin ang Dios. Nalalaman at nauunawaan kasi ng Dios ang nilalaman ng ating puso. Dahil ito sa tulong ng Banal na Espiritu na nalalaman ang ating kalooban. Gayundin, kung ano ang ayon sa kalooban ng Dios. Kaya naman, sa tuwing hindi na natin alam ang dapat gawin, humingi tayo ng tulong sa Banal na Espiritu (Roma 8:26-27). Katulad ito ng sinabi ni Apostol Pablo sa mga taga-Roma na matutupad ang pangako ang Dios na “matulad tayo sa Kanyang Anak na si Jesus” (Tal. 28-29).
Naranasan mo na ba ang mahirapang magsabi ng iyong nararamdam sa Dios? Nahirapan ka bang magsimula kung ano at paano magdasal? Ganito lamang ang gawin mo: Sabihin mo sa Dios ang lahat ng nais mong sabihin ng galing sa puso mo. Maiintindihan na ito ng Espiritu at Siya na ang magpaparating nito sa Dios para sa iyo.