Madaling araw na at hindi na naman ako makatulog dahil sa pakikipagtext ko. Naghanap ako sa Google ng mga paraan kung paano ako makakatulog. Ngunit mga bagay na hindi ko dapat ginawa ang nakita ko. Tulad ng huwag umidlip, uminom ng kape at huwag magtrabaho ng gabi na. Hindi ko ginawa ang mga ito.
Sunod ko namang nabasa na hindi rin ako dapat gumamit pa ng gadget kapag sobrang gabi na. Oops. Hindi talaga magandang ideya ang makipag-text ng gabi. Kaya naman, mayroon na ring listahan ng mga hindi dapat gawin ang ating pagpapahinga.
Sa Lumang Tipan naman ng Biblia, nagbigay ang Dios ng kautusan ng mga hindi dapat gawin sa Araw ng Pamamahinga. Sa Bagong Tipan naman, naghayag ang Panginoong Jesus ng bagong paraan upang makamit ang kapahingahan. Tinawag ni Jesus ang Kanyang mga tagasunod at sinabi, “Lumapit kayo sa Akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan Ko kayo ng kapahingahan” (Mateo 11:28). Ipinahayag pa ng Panginoong Jesus sa naunang talata ang Kanyang kaugnayan sa Dios Ama at ang mga bagay na ibinigay sa Kanya ng Dios Ama. Matatamasa rin naman natin ang mga bagay na ito kung magkakaroon tayo ng kaugnayan kay Jesus.
Kaya naman iwasan ang mga bagay na makaka-antala sa ating pagtulog. Upang magkaroon tayo ng kapahingahan kay Cristo at magkaroon ng ugnayan sa Kanya. Kaya itinigil ko na ang aking pagbabasa at dumulog sa paanyaya ni Jesus na “lumapit kayo sa Akin.”