Isinulat ni Washington Irving ang librong “The Legend of Sleepy Hollow.” Tungkol ito sa gurong si Ichabod Crane, na gustong pakasalan ang dalagang si Katrina. Ngunit isang gabi, nakasalubong ni Ichabod, ang mangangabayong walang ulo na namamalagi sa lugar. Sa takot ni Ichabod, mabilis siyang tumakas sa lugar. Subalit, nalinaw naman sa mga mambabasa na ang kalaban ni Ichabod sa panliligaw kay Katrina ang “mangangabayo” na nakita niya.
Una ko namang nabasa ang pangalang Ichabod sa Biblia. Kapareho sa kuwento, mayroon din itong malungkot na pangyayari. Dahil noong makipaglaban ang mga Israelita sa mga Filisteo. Dinala nila ang Kaban ng Tipan sa labanan. Isa itong pagkakamali. Natalo ang Israel at nakuha ang Kaban ng Tipan. Napatay din ang mga anak ng punong saserdoteng si Eli na sina Hofni at Finehas (1 Samuel 4:17). Namatay din si Eli (Tal. 18). Noong narinig ng buntis na asawa ni Finehas ang balita “sumakit ang tiyan niya at napaanak ng wala sa panahon dahil sa matinding sakit” (Tal. 19 asd). Nang malapit na siyang mamatay, “pinangalanan niya ang bata na Ichabod na sinasabi, “Ang kaluwalhatian ay umalis sa Israel” (Tal. 22).
Salamat sa Panginoon sa Kanyang paglalahad ng mas malaking kuwento at ang Kanyang kaluwalhatian ay makikita natin kay Jesus, na nagsabi sa Kanyang mga apostol “ang kaluwalhatiang ibinigay Mo sa Akin ay ibinigay Ko sa kanila” (Juan 17:22).
Wala namang nakakaalam kung nasaan na ang Kaban ng Tipan ngayon. Ang mahalaga nakatakas si Ichabod. Dahil ito sa pamamagitan ni Jesus, na ibinigay ng Dios ang Kanyang kaluwalhatain.