Sa siyudad ng Mysore sa bansang India, mayroong dalawang bagong gawang silid-aralan na yari sa bagon ng tren. Nakipagtulungan ang mga guro sa South Western Railway Company upang mabili at maisaayos ang mga sirang bagon. Isa lamang malaking kahon ng bakal at hindi maaaring magamit ang mga bagon. Kaya naman, naglagay ang mga manggagawa ng hagdan, electric fans, ilaw, mga lamesa at upuan. Pininturahan din nila ang mga dingding at nilagyan ng makulay na mural ang labas at loob ng bagon. Nasa animnapung mag-aaral ang pumapasok doon. Dahil sa kahanga-kahangang pagbabago sa lugar.
Mayroon namang mas kahanga-kahanga pang mangyayari sa atin kung susundin natin ang utos ni Apostol Pablo na “magbago kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip” (Roma12:2). Dahil sa pagpapahintulot natin sa Espiritu na ilayo tayo sa gawi ng mundo, nababago ang ating isipan at pag-uugali. Nagiging mas mapagmahal tayo, may pag-asa at puno ng kapayapaan (8:6).
Patuloy ang ating pagbabago. Ngunit hindi tulad ng tren, mas madalas ang paghinto at muling pag-usad nito. Ang atin ding pagbabago ang tutulong at magdadala sa atin “para malaman ang kalooban ng Dios” (12:2 ASD). Ang malaman ang kalooban ng Dios ang maglalapit sa atin sa Kanyang katangian at gawa dito sa mundo.
Nali Kali, ang pangalan ng paaralan sa India, na ang ibig sabihin ay “masayang kaalaman.” Paano ka binago ng masayang kaalaman mo sa kalooban sa iyo ng Dios?