Nagsimula sa pangangati ng lalamunan. Nauwi sa trangkaso. Pero simula pa lang pala ito ng ‘bronchial affliction’ (paghihirap sa daanan ng hangin sa baga). Ang trangkaso naging ‘whooping cough’ (ubong tuyo) at kinalaunan naging pulmonya.
Walong linggong pag-ubo na parang binabasag ang dibdib natauhan ako. Kahit hindi ko pa itinuturing ang sarili ko na matanda na, pero alam kong doon na ako patungo: tumatanda na ako. Binigyan ng nakakatuwang tawag ng isang kaibigan ko sa simbahan ang mga hamon sa kalusugan natin na kinakaharap natin habang tumatanda tayo: dwindles o ang pagbawas ng lakas at kakayahan habang tumatanda. Pero hindi nakakatuwa pag nararamdaman na si dwindles.
Sa 2 Corinto 4 sinulat ni Apostol Pablo ang sarili niyang dwindles: mga paghihirap na tinitiis ng kanilang grupo para maisakatuparan ang kanilang misyon. Inamin niyang “humihina ang aming katawang-lupa” – dahil sa pagtanda, pahirap mula sa ibang tao, at mahirap na kalagayan. Pero ganunpaman, mahigpit na nakakapit si Pablo sa kanyang pag-asa, “patuloy namang pinalalakas ang aming espiritu araw-araw” (Tal. 16). Iginiit niya, ang “bahagya’t panandaliang kapighatiang dinaranas namin ngayon ay magbubunga ng kagalakang walang hanggan at walang katulad” (Tal. 17).
Habang sinusulat ko ito, ramdam ko ang kuko ni dwindles sa aking dibdib. Pero alam ko na sa buhay ko at ng iba pang kumakapit kay Cristo, wala kay dwindles ang huling halakhak.