Nakamamanghang Liwanag
Noong 2018, labindalawang manlalaro ng soccer kasama ang kanilang coach ang namasyal sa isang kuweba. Subalit hindi nila inaasahang tumaas ang tubig sa kuweba, kaya nakulong sila dito nang mahigit sa dalawang linggo. Maraming sumubok na hanapin ang grupo sa pamamagitan ng paghahanap ng liwanag mula sa kanilang flashlight. Matapos nga ang maraming araw at gabi sa kadiliman, nakita rin ang aandap-andap…
Kahit Na
Lumaki sa isang tribu sa Pilipinas si Ester na hindi naniniwala kay Cristo. Pero nagtiwala siya kay Jesus sa tulong ng kanyang tiyahin. Sa ngayon, nangunguna si Ester sa pag-aaral ng Biblia sa kanilang komunidad sa kabila ng banta ng karahasan at kamatayan. Sinabi ni Ester, “Walang sinuman ang makapipigil sa akin sa pagpapahayag ng tungkol kay Jesus dahil naranasan…
Pinalalang Kalagayan
Naging kilala sa radyo si Fred Allen dahil sa kanyang pagpapatawa. Gamit ang pagpapatawa, napapangiti niya ang mga nahihirapan na sa buhay dahil sa pagkakaroon ng digmaan. Hinuhugot ni Fred ang kanyang pagpapatawa mula sa masakit niyang karanasan.
Maaga siyang nawalan ng ina at napalayo rin siya sa kanyang ama na nalulong sa iba’t ibang bisyo. Minsan, habang naglalakad si…
Matapang Na Saksi
Noong ikalawang Digmaang Pandaigdig, nakaligtas si Prem Pradhan (1924-1998) matapos pagbababarilin ang eroplano na sinasakyan niya. Muntikan na ring naputol ang kanyang paa dahil sa trahedya. Kahit pa nga habambuhay na siyang magiging lumpo, nasabi pa rin niya ang ganito: “Mayroon akong mahinang binti, Pero nakapagtataka na sinugo pa rin ako ng Dios na mangaral sa bundok ng Himalaya at…
Isang Sundalo
Isang mahiyaing batang babae si Diet Eman na nakatira sa Netherlands. Mayroon siyang maayos na pamumuhay bago dumating ang mga Aleman na sumakop sa kanilang bansa. Isinulat ni Diet ang ganito: “Kapag may banta ng panganib sa inyong pintuan, parang gusto mo na lang maging kagaya ng ostrich at ibaon ang iyong ulo sa buhangin”. Ngunit, hindi maatim ni Diet na…