Sa isang bundok sa Mindanao sa bansang Pilipinas, matatagpuan ang isang tribo na tinatawag na “Banwaon .” Dahil malayo sila sa kabihasnan, malimit silang makipag- ugnayan sa ibang tao . Baka nga ay hindi alam ng iba na may mga taong nakatira sa lugar na iyon . Sobra kasing layo nito at matarik ang bundok.
Kaya naman, napagdesisyunan ng isang grupo na naglalakbay para maipakilala si Jesus sa ibang tao, na puntahan ang tribo ng Banwaon . Gamit ang isang helicopter, nagdala sila ng mga pagkain, gamot, damit at iba pang mga pangangailangan . Ginawa rin nila ang kanilang layunin na ipakilala si Jesus . Dahil dito, kinikilala nila si Jesus bilang kanilang Tagapagligtas . Kaya naman, sa halip na banggitin ng mga Banwaon ang dati nilang sinasambang mga dios-diosan, si Jesus na ang bukang-bibig nila.
Iyon rin naman ang iniutos ni Jesus sa Kanyan mga apostol nang mabuhay Siya ulit: “Kaya puntahan ninyo ang lahat ng mga lahi at gawin silang mga tagasunod ko . Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, anak at ng Banal na Espiritu” (Mateo 28:19).
Hindi lamang sa mga matatarik na bundok matatagpuan ang mga nangangailangan ng ating tulong . Madalas, sila ay kasama natin sa ating tahanan, trabaho o sa ating lugar . Nagbigay inspirasyon ang tribo ng Banwaon at ang mga misyonaryong pumunta sa kanilang lugar, upang magpaalala sa atin na hindi hadlang ang kalayuan ng lugar upang maghatid tayo ng tulong sa mga nangangailangan.