May sakit na cancer si Darla. Kaya naman, sobrang natuwa siya nang matapos niya na ang ang tatlumpung ulit na radiation treatment. Bahagi na ng tradisyon ng hospital ang pagpapatunog ng kampanang na sumisimbulo na wala nang cancer ng isang tao at bumalik na ang maayos na kalusugan ng katawan.
Umaapaw ang kagalakan ni Darla na muntik nang masira ang kampana sa pagpapatunog niya nito. Lahat ng nakakita nito ay nakiisa sa kanyang kagalakan.
Nagpapaalala sa akin ang kuwento ni Darla sa kung ano ang inisip ng mga manunulat ng Salmo sa Biblia. Sinabi kasi sa Salmo 47 na ang mga Israelita ay sumigaw sa Dios nang may kagalakan. Sila ay hinikayat ng Salmista na magpalakpakan, magdiwang at umawit ng pagpupuri. Sapagkat, tinalo ng Dios ang kanilang mga kaaway at pinili ang mga Israelita bilang Kanyang bayan (Salmo 47: 1, 6).
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagiging matagumpay tayo sa mga problema tungkol sa kalusugan, pinansyal o relasyon. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, nararapat pa rin na papurihan natin ang Dios kahit na dumaranas tayo ng mga pagsubok. Sapagkat ang Dios ay nakaupo sa Kanyang trono at naghahari sa mga bansa (Tal. 8). Maaaring wala tayong kampana na maaaring patunugin pero magalak pa rin tayo dahil sa kabutihan ng Dios sa atin katulad ng kagalakan na ipinakita ni Darla.