Noong taong 2010, gumawa si James Ward ng isang “blog” na may pamagat na “Hindi Ako Masaya” naglunsad ito ng isang pagtitipon na tinawag na “nakakabagot na pagpupulong.” Ito ay isang araw na pagdiriwang tungkol sa mga hindi kapansin pansin na mga bagay.
Dati rin, may mga tagapagsalita na binibigyang-pansin ang mga bagay na parang walang kabuluhan gaya ng tunog ng vending machine at pagbahing. Alam ni Ward na maaaring nakakabagot ang mga paksang ito o hindi nagbibigay ng interes sa mga tao. Pero, ginagawang makabuluhan at masigla ng mga tagapagsalita ang pagtalakay ng tungkol sa mga bagay na ito.
Ang pinakamatalinong hari din naman na si Haring Solomon ay naglunsad ng kanyang paghahanap ng kaligayahan sa mga walang kabuluhang mga bagay. Nagtrabaho siya, nagpatayo ng malaking bahay, nagkaroon ng mang-aawit at nakapag-ipon ng ginto (Mangangaral 2:4-9). Pagkatapos nito, inisip mabuti ni Solomon ang kanyang mga ginawa at ang pagod na kanyang pinuhunan. Nakita niya ang lahat ay pawang walang kabuluhan; tulad lang ito ng paghahabol sa hangin (Tal. 11). Nalaman ni Solomon na matatagpuan niya lamang ang kaligayahan sa mga walang kabuluhang bagay kapag aalalahanin niya ang Dios at sasambahin niya ito (12:1-7).
Sa ating pang-araw-araw na pamumuhay, alalahanin natin ang ating Manlilikha (Tal. 1). Sa paggunita at pagsamba sa Kanya, matatagpuan natin ang kahiwagaan sa gitna ng mga walang kabuluhan na mga bagay.