Nang pumanaw ang nag-iisang anak nina Hugh at DeeDee, nahirapan silang tanggapin ito. Biyuda ang tawag sa babaing asawa na namatayan ng lalaking asawa. Balo naman kapag babaing asawa ang namatay. Ulila ang tawag sa mga anak na namatayan ng magulang. Ngunit, walang tamang tawag kapag nawalan ng anak ang isang magulang.
Iba-iba ang dahilan ng pagkawala ng anak, ang iba’y dahil sa pagkalaglag ng bata habang nasa sinapupunan pa ng ina, biglaang pagkamatay ng sanggol, o dahil sa pagkakasakit ng kanilang anak. Hindi mailalarawan ang kalungkutan ng magulang kung mawawala ang kanilang anak.
Nauunawaan din naman iyon ng Dios, ang kalungkutan na ito ay katulad ng naramdaman Niya nang mamatay ang Kanyang nag-iisang anak na si Jesus doon sa Krus. “Ama, sa mga kamay Mo’y ipinagkakatiwala Ko ang Aking espiritu”(Lucas 23:46). Ang Dios ang Ama ni Jesus nang ipinanganak Siya sa mundo at patuloy Siyang naging Ama ni Jesus sa panahon na mawalan na Siya ng hininga doon sa krus hanggang sa mabuhay Siyang muli. Ito ang nagbibigay ng lakas sa mga magulang na nawalan na mabubuhay muli ang kanilang anak sa oras na bumalik ulit si Jesus.
Dakila ang Dios dahil isinakripisyo Niya ang nag-iisang anak para iligtas ang sanlibutan. “Pag-isipan ninyo kung gaano kadakila ang pag-ibig ng Ama sa atin! Tinawag Niya tayong mga anak Niya, at tunay nga na tayo’y mga anak Niya! Kaya hindi tayo nakikilala ng mga tao sa mundo dahil hindi nila kilala ang Dios” (1 Juan 3:1).