“Anak wala akong maipapamana sa iyo kundi ang aking magandang pangalan, huwag mo sana itong sirain”. Ito ang mga katagang sinabi ni Johnnie Bettis nang umalis ang kanyang anak na si Jerome para pumasok ng kolehiyo. Ang katagang ito ay naikuwento ni Jerome sa kanyang speech nang tanggapin niya ang karangalan mula sa American Professional Football Hall.
Ang mabuting pangalan at reputasyon ay mahalaga sa mga nagtitiwala kay Jesus. Nagpapaalala naman ang Colosas 3:12-17 na ang Panginoong Jesus ang ating nirerepresinta sa iba (Tal. 17). Sa katangian natin maipapakita kung sino si Jesus sa ating buhay.
Sinabi ni Apostol Pablo, “Kaya bilang mga banal at minamahal na mga pinili ng Dios, dapat kayong maging mapagmalasakit, maganda ang kalooban, mapagpakumbaba, mabait at mapagtiis. Magpasensiyahan kayo sa isa’t isa at magpatawaran...At higit sa lahat, magmahalan kayo, dahil ito ang magdudulot ng tunay na pagkakaisa” (Tal. 12-14). Hindi lamang ito tuwing Linggo natin gagawin kundi sa lahat ng pagkakataon dahil nirerepresinta natin ang Dios. Kapag tayo ay namumuhay sa mga ganitong katangian, maipapakita sa buhay natin ang Dios na ating sinasamba.
Nawa patuloy nating idalangin ang pagkilos ng Dios sa ating buhay bilang mga kinatawan Niya sa mudong ito.