Nangongolekta si Auguste Pellerin ng mga pinta na gawa ng mga kilalang pintor. Kaya naman, alam niya na agad na peke ang ipinakita sa kanya ni Christian Mustad na painting na gawa raw ni Van Gogh. Dahil dito, itinago na lamang ni Mustad ang nasabing painting sa kanyang attic sa loob ng 50 taon . Nang pumanaw si Mustad, sinuri muli ang pagiging orihinal nito at natuklasan na peke. Nang taong 2012, isang dalubhasa ang muling sumuri dito sa pamamagitan ng paggamit ng computer. Nalaman niya na ang “painting” na ito ay kinuha sa tunay na nilikha ni Van Gogh . Orihinal at hindi pala peke ang pagmamay- aring ito ni Mustad.
Nararamdaman mo bang peke o hindi totoo ang iyong ipinapakita sa iba? Natatakot ka ba na kung susuriin ka ng iyong kapwa, malalaman nila na napakaliit ng iyong pananampalataya, ibinibigay at paglilingkod? Natutukso ka bang magtago na lamang sa “attic” upang maging malayo sa mga mapangutyang mata ng iyong kapwa?
Isipin at suriin naman natin ang ating pamumuhay. Kung iiwan natin ang ating mga sarili at ilalagay ang ating paniniwala at pananampalataya sa Dios, tayo ay magiging kaisa Niya sa Kanyang gawain. Sinabi ni Jesus, “Ako ang puno ng ubas, kayo ang Aking mga sanga” (Juan 15:5). Ikaw at si Jesus ay may kaugnayan na hindi mapuputol kung sumasampalataya ka sa Kanya.
Ang isang tunay na mananampalataya ni Jesus ay buong pusong nagtitiwala sa Kanya. Sinabi ni Jesus, “Ang taong nananatili sa Akin at Ako rin sa kanya ay mamumunga nang marami. Sapagkat wala kayong magagawa kung hiwalay kayo sa Akin” (Tal. 5).