Noong 2020, pumutok ang Sangay, isang bulkan sa Ecuador. Binalot ng usok at abo ang halos 4 na probinsya sa lugar na iyon. Itim ang langit dahil sa usok kaya nahihirapang huminga ang mga tao. Sinabi ng isang magsasaka “Nakita na lang namin ang langit na sobrang dilim kaya natakot kami”.
Nakaranas din ng matinding takot ang mga Israelita nang balutin din ng kadiliman ang mga ulap sa bundok ng Sinai. Noong sila ay “...tumayo sa ibaba ng bundok habang naglalagablab... binalutan ng kadiliman dahil sa maitim na ulap” (Deuteronomio 4:11). Dumagundong ang boses ng Dios at lahat ng tao ay nanginig sa takot. Siguro nga’y nakakatakot ito, ngunit isa rin itong kahanga- hangang karanasan dahil narinig nila mismo ang boses ng Dios.
“Pagkatapos, nagsalita ang Panginoon...Narinig ninyo ang kanyang boses, pero wala kayong nakita” (Tal. 12). Binigyan sila ng pag-asa ng Dios. Binigay sa kanila ng Dios ang 10 utos at inayos ang ugnayan na mayroon sila sa Dios. Nakakanginig sa takot ang makarinig ng boses galing sa kadiliman ng kalangitan, ngunit dito naipakita ng Dios ang Kanyang pagmamahal at pagiging mahabagin sa mga tao (Exodus 36:6-7).
Makapangyarihan ang ating Dios at hindi natin ito maaarok. Ngunit isa rin Siyang mapagmahal at mahabaging Dios na laging nagnanais na makasama tayo. Isang makapangyarihan at mapagmahal na Dios ang kailangan natin.