Minsan, namimili ang isang lalaki ng mga kagamitan sa pangingisda. Kumuha siya ng hook, tali at mga pain na mga bulate para sa mga isda. Dahil unang beses pa lamang niya gagawin ang pangingisda, marami siyang inilagay na mga kagamitan sa kanyang lagayan. Nang babayaran niya na ang mga bibilhin, sinabi ng may-ari ng tindahan na “Idagdag mo rin itong first aid kit, kakailanganin mo nito”. Kaya, binili niya rin ito. Nang mangingisda na ang lalaki, inihagis niya na ang lambat para makahuli ng isda. Sa kasamaang palad, wala siyang nahuli kahit isa.
Ang lalaki naman ay kabaligtaran ni Simon. Magaling siya sa pangingisda. Minsan, inutusan ni Jesus sila Simon na pumunta sa malalim na bahagi ng dagat at ihagis ang lambat. Sumunod pa rin sila kay Jesus kahit na magdamag na silang nangingisda at wala pa rin nahuhuli. Kasama ang ibang mangingisda, hinagis nila ang kanilang mga lambat at nagulat sila dahil punong puno ito ng mga isda.
Nagulantang si Simon sa dami ng nahuli nilang isda, napaluhod siya sa harap ni Jesus at sinabing “Lumayo po kayo sa akin, Panginoon, dahil makasalanan ako” (Lucas 5:8). Ngunit sinabi ni Jesus kay Simon na “Huwag kang matakot. Mula ngayon, hindi na isda ang huhulihin mo kundi mga tao na upang madala sila sa Dios” (Tal. 10).
Nang marinig nila ito, “...iniwan nila ang lahat at sumunod kay Jesus” (Tal. 11). Sa pagsunod natin kay Jesus, aayusin at babaguhin ka Niya ayon sa Kanyang kalooban.