Isang bata na walang bilib sa sarili si Tenny. Gusto niya na lagi siyang purihin ng kanyang tatay kasi doon niya lamang nararamdaman ang pagmamahal. Pero kahit anong gawin ni Tenny, hindi pa rin iyon sapat para purihin siya. Kahit pa noong tumanda siya, hinahangad pa rin niya ang papuri at pagtanggap mula sa kanyang tatay at mula sa ibang tao. Kaya nagtatanong siya sa kanyang sarili “Hindi ba ako sapat?”
Ang matagal ng hinahangad na maramdaman ni Tenny ay natagpuan niya noong magtiwala siya kay Jesus. Naramdaman niya na may nagmamahal sa kanya, na mahalaga siya kay Jesus. Ang pagmamahal na hindi niya naramdaman mula sa kanyang tatay ay naramdaman niya sa Dios. Sa wakas, naramdaman din ni Tenny ang pagtanggap at pagmamahal na hinahanap niya.
Hindi natagpuan ni Tenny ang pagmamahal na hinahanap niya mula sa kanyang tatay o mula sa ibang tao. Noong nakilala at nagtiwala siya kay Jesus, napagtanto niya na hindi ang tatay niya at hindi ang ibang tao, kundi ang Dios lamang ang makapagbibigay ng pagmamahal at pagtanggap na hinahanap niya. Walang iba, ang Dios lamang.
Sa tuwing mababasa ni Tenny ang kabanata 43 ng Isaias, nagsisilbi itong paalala sa kanya na sa Dios lamang matatagpuan ang pagtanggap at pagmamahal na hinahanap niya. Pastor na ngayon si Tenny at ngayon sinisikap niyang ipahayag sa mga tao ang kanyang karanasan. Ang Dios lamang ang magpupuno sa kakulangan na ating nararamdaman.