Minsan, namimili ang mag-asawang sina Jordan at Collin ng mga pang-disenyo sa kanilang bahay. Habang tumitingin- tingin, nakita nila ang isang cardboard na may nakasulat na grace. Nagandahan sila dito pero nang nakita nila na may sira ang gilid nito kaya ayaw na iyon ni Jordan.
Ngunit nagpumilit si Collin at sinabing “Kahit na may sira ito, bibilhin pa rin natin, ganoon kasi ang kagandahang-loob.” Nang babayaran na nila ito, sinabi ng nagtitinda na “Pumili na lang po kayo ng iba, may sira po kasi ang napili ninyo.” “Parang tayo rin naman” pabulong na sagot ni Jordan.
Tayo rin naman ay parang sirang cardboard, patuloy kasi tayong nakakagawa ng kasalanan habang nabubuhay. Kahit ilang beses pa natin ayusin ang ating buhay, hindi natin ito maayos nang tayo lang ang gagawa. Binanggit naman ni Apostol Pablo sa kanyang sulat ang kalagayan natin sa harap ng Dios, “...itinuring kayong mga patay ng Dios dahil sa mga pagsuway ninyo at mga kasalanan” (2:1). Binanggit rin ni Pablo na dahil sa pagmamahal ng Dios sa atin “ . . .kahit itinuring tayong patay dahil sa mga kasalanan natin, muli niya tayong binuhay kasama ni Cristo” (Tal. 4-5).
Ang Dios ang gumawa ng paraan para ayusin ang nasirang relasyon na mayroon tayo sa Dios. sa gayon, magiging kalugod- lugod tayo sa Kanya. Naisakatuparan ang lahat ng iyon sa pamamagitan ni Jesus. Kaya naman, magtiwala tayo kay Jesus at tanggapin natin ang kagandahang-loob na ibinibigay Niya sa atin. Aminin natin na makasalanan tayo at hindi natin kayang iligtas ang ating sarili mula sa kaparusahan sa kasalanan.