Dahil isang psychologist si Madeline Levine, madali niyang mapansin ang maliliit na bagay katulad ng nakita niya sa isang 15 taong gulang na babae. Nakasuot ang babae ng mahabang manggas na damit, kaya natatakpan nito ang kabuuan ng kanyang braso.
Nang hawiin ng batang babae ang manggas, nakita ni Madeline ang salitang “kulang” na nakaukit sa kanyang braso, alam niya na gumamit ang bata ng matalas na bagay para gawin ito.
Nais ng batang babae na wakasan na lang ang kanyang buhay dahil nakaramdam siya na ang buhay niya ay parang wala kabuluhan. Darating din sa atin ang pagkakataon na makakaramdam tayo na parang kulang at walang halaga ang ating buhay, pero sinabi ni Jesus na “...dumating ako upang magkaroon ang mga tao ng buhay na ganap” (Juan 10:10). Gusto ng Dios na maramdaman natin ang buhay na ganap at kasiya-siya sa pamamagitan ni Jesus (Tal. 28).
Hindi tao o bagay ang makapupuno sa kakulangan na nararamdaman natin, si Jesus lamang ang makagagawa nito. Kaya naman, kung hindi natin maramdaman ang kapayapaan sa buhay natin ngayon, lumapit tayo sa Dios at ipanalangin ang ating kalagayan. Si Jesus lamang ang nagbibigay ng kabuluhan at kahulugan sa buhay natin . Hindi natin ito mararanasan kung hindi dahil kay Jesus.