Mahilig umakyat ng bundok si Cap Dashwood at tuwing umaakyat siya, lagi niyang kasama ang kanyang aso na si Chaela. Ang pangalang Chaela ay pinagsamang “Chae” na nagpapaalala sa namatay niyang aso, samantalang ang “la” ay pinaikling “Labrador angel.” Kamangha-mangha na sa loob ng 365 na araw, umakyat sila sa iba’t ibang bundok. Ang pag-akyat ng bundok at pag-alaga ng mga aso ang nagbigay kay Cap ng lakas ng loob para magpatuloy sa mga hamon ng buhay.
Noong bata pa kasi si Cap, bumukod na siya mula sa kanyang tahanan dahil naging magulo ang pamilya niya. Bata pa lamang siya, alam na niya ang pakiramdam ng pagiging bigo dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya. Kaya naman, ngayong matanda na si Cap, binubuhos niya na lang ang kanyang pagmamahal sa pag- akyat ng bundok at pag-aalaga ng mga aso.
Katulad ni Cap, maraming tao ang mahilig rin mag-alaga ng mga hayop dahil sa pagmamahal na nararamdaman nila sa isa’t isa. Inaalagaan din nila ito ng walang hinihinging kapalit, hindi pangkaraniwan ang ganitong pagmamahal. Parang ganoon din ang pagmamahal na mayroon ang Dios sa atin.
Naramdaman din naman ni Haring David na minamahal siya ng Dios kahit pa noong nararamdaman niyang nag-iisa siya (Salmo 143:12). Sa paglipas ng panahon, napagtanto ni David na hindi tayo pababayaan ng Dios at patuloy Niya tayong gagabayan sa buhay dahil minamahal tayo ng Dios (Tal. 8). Kaya naman, patuloy tayong magtiwala na bawat araw, minamahal tayo ng Dios.