Nasa murang edad pa lamang si Emma, parang nakabisado niya na agad ang buong Biblia. Kaya naman, humahanga kami sa kanya. Tinawag namin siya na ‘walking Bible’. Pero sinabi ni Emma na hindi naman talaga siya bumibigkas ng mga talata sa Biblia, kundi sinasabi lamang niya ang laman ng kanyang puso at isipan.
Iyon pala ang bunga ng araw-araw na pagbabasa ng Biblia ni Emma ang karunungang naging bahagi na ng kanyang tala-salitan. Hindi niya rin pinalalampas ang mga pagkakataon na maibahagi sa mga tao ang salita ng Dios.
Sa pamamagitan ni Apostol Pablo, isang kabataan din ang tinawag upang maging tagapanguna sa pagbabahagi ng Salita ng Dios (1 Timoteo 4:11-16). Mula sa pagkabata, bihasa na rin si Timoteo sa Biblia (2 Timoteo 3:15). Gaya ni Pablo, marami rin ang nagduda sa kanyang ipinangangaral. Subalit patuloy nilang pinanghawakan ang katotohanang ang “lahat ng Kasulatan ay isinulat sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios, at mapapakinabangan sa pagtuturo ng katotohanan, pagsasaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa matuwid na pamumuhay, para maging handa sa lahat ng mabubuting gawa ang naglilingkod sa Dios” (Tal. 16-17).
Kung magpapatuloy tayong aralin ang salita ng Dios, ang mga aral na matutunan natin ay palagi ring magiging bahagi ng ating tala-salitaan sa tuwing tayo ay nakikipagusap sa iba. Maaari din tayong maging ‘walking Bible’ na nagpapahayag ng Salita ng Dios saan man tayo naroon.