Noong pinagbintangan ni Empress Messalina ang isang dalubhasa sa pilosopiya na si Seneca sa kasalanang pangngalunya at hinatulan ng kamatayan, ikinulong lamang siya sa Corsica. Kagagawan ito ni Emperor Claudius dahil hindi siya naniniwalang totoo ang bintang kay Seneca. Lubos ang pasasalamat ni Seneca kay Emperor Claudius, kaya isinulat niya ang ganito: “mas higit na masama sa mamamatay tao, traydor, magnanakaw, mangangalunya, at mga lapastangan ang sinumang hindi marunong magpasalamat.”
Sasang-ayon siguro si Apostol Pablo sa sinabi ni Seneca. Sa Roma 1:21 kasi, isinulat ni Pablo na nagsimula na ang pagbagsak ng sangkatauhan nang tumanggi ang mga taong magpasalamat sa Dios. Sa kanyang mga liham sa mga taga-Colosas, hinamon ni Pablo ang mga ito para magpasalamat kay Cristo.
Sinabi niya ang ganito: “Patuloy kayong lumago at tumibay sa kanya . Magpakatatag kayo sa pananampalatayang itinuro sa inyo, at maging mapagpasalamat din kayo,” (Colosas 2:7). Habang tayo ay pinaghaharian ng kapayapaan ni Cristo, dapat din tayong maging mapagpasalamat (3:15). Dahil ang “Lahat ng mabubuti at angkop na kaloob ay nanggagaling sa Dios,” (Santiago 1:17).
Sa lahat ng mga ibinigay sa atin ni Cristo, ugaliin natin magpasalamat sa Kanya araw-araw. Tumugon tayo sa mga biyaya ng Dios na may pagpapasalamat sa kanya.