Noong ikalawang Digmaang Pandaigdig, nakaligtas si Prem Pradhan (1924-1998) matapos pagbababarilin ang eroplano na sinasakyan niya. Muntikan na ring naputol ang kanyang paa dahil sa trahedya. Kahit pa nga habambuhay na siyang magiging lumpo, nasabi pa rin niya ang ganito: “Mayroon akong mahinang binti, Pero nakapagtataka na sinugo pa rin ako ng Dios na mangaral sa bundok ng Himalaya at sa Nepal.”
Hindi naging madali ang mga gawaing ito kay Prem lalo pa nga at nakulong pa siya sa loob ng sampung taon sa labing-apat na bilangguang itinuturing na “mga piitan ng kamatayan”. Ngunit ang kanyang matapang na pagsaksi ay nagbunga ng pagbabago ng mga taong kanyang nakasalamuha gaya ng iba pang bilanggo at mga guwardiya na siya rin namang nagbahagi ng tungkol kay Jesus sa iba pa nilang kakilala.
Ang alagad na si Pedro ay nakaranas din ng halos kaparehong sitwasyon nang kumilos ang Dios sa kanyang buhay upang pagalingin ang “taong lumpo” (Gawa 4:9). Subalit ginamit niya ang pagkakataon upang matapang na magsalita tungkol kay Cristo (Tal. 8-13).
Gaya rin naman ni Pedro, maaari din tayong makaharap ng taong may salungat na paniniwala mula sa ating kapamilya, ka-trabaho o iba na nangangailangang makapakinig tungkol kay Jesus na tanging “makapagliligtas” (Tal. 12), namatay para bayaran ang ating kasalanan at muling binuhay mula sa kamatayan bilang katunayan ng kanyang kapangyarihang magpatawad (Tal. 10). Nawa ay makinig sila habang ating matapang na ipinahahayag ang magandang balita ng kaligtasan na nagmumula kay Jesus.