Naging kilala sa radyo si Fred Allen dahil sa kanyang pagpapatawa. Gamit ang pagpapatawa, napapangiti niya ang mga nahihirapan na sa buhay dahil sa pagkakaroon ng digmaan. Hinuhugot ni Fred ang kanyang pagpapatawa mula sa masakit niyang karanasan.
Maaga siyang nawalan ng ina at napalayo rin siya sa kanyang ama na nalulong sa iba’t ibang bisyo. Minsan, habang naglalakad si Fred sa kahabaan ng New York, iniligtas niya ang isang bata na muntik ng masagasaan, “Ayaw mo bang tumanda at maranasan ang kaguluhan ng buhay?” galit na sinabi niya sa bata.
Nagkaroon din ng mga problema si Job at dinagdagan pa ito ng mga kaibigan nang payuhan siya ng mga ito. Sinabi nila na kailangang aminin ni Job ang kanyang mga nagawang kasalanan (4:7-8) at matuto sa pagtutuwid ng Dios para makuha niyang pagtawanan ang mga problema (5:22).
Malinis ang layunin ng kanyang mga kaibigan ngunit hindi kasi alam ng mga ito ang dahilan kung bakit nangyayari kay Job ang mga nararanasan niya (1:6-12). Sinabi ng Dios na “Galit ako sa iyo at sa dalawa mong kaibigan, dahil hindi ninyo sinabi ang katotohanan tungkol sa akin katulad ng ginawa ni Job na aking lingkod” (Tal. 7). Buti na lang at tinugon ng Dios ang panalangin ni Job para sa mga kaibigan at nailigtas ang mga ito (Tal. 9). Hindi naisip ng mga kaibigan na ang ugali at paniniwala nila ay mga katangian rin naman ng mga taong umusig kay Cristo upang dumanas ng hirap. Ngunit ang kanyang paghihirap ay naging kapakinabangan sapagkat naging dahilan si Cristo sa lubos na kaligayahan ng sangkatauhan.