Minsan, nanlulumong pinagmamasdan ng mga taga Silver Lake sa bansang Amerika ang bahay nila habang gumuguho ito. Kahit matibay ang pagkakagawa sa bahay nila, nakatayo naman ito sa ilalim na mabuhanging lupa. Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, kahit gaano pa ang pag-iingat ng mga may-ari ng bahay tiyak pa rin nasa panganib sila dahil mahina ang pundasyon ng kinatitirikan ng bahay nila.

Alam naman ng Panginoong Jesus ang panganib ng pagtatayo ng bahay sa buhangin. Kaya naman, pagkatapos bigyang babala ang mga disipulo Niya tungkol sa mga bulaang propeta, sinabi ni Jesus na may karunungan sa lubos na pagsunod (Mateo 7:15-23).

Sinabi pa ni Jesus, “Ang sinumang nakikinig at sumusunod sa Aking mga sinasabi ay katulad ng isang matalinong lalaki na nagtayo ng kanyang bahay sa pundasyong bato” (Tal. 24). Pero ang hindi naman nakikinig kay Jesus ay “parang taong hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa buhangin” (Tal. 26).

Sa tuwing nahihirapan naman tayo na parang gumuguho at lumulubog sa buhangin dahil sa mabibigat na problema, magtiwala tayo kay Jesus na siyang Batong ating pundasyon. Tutulungan Niya tayo upang maging matatag ang ating pananampalataya.