Noong 1960, masigla ang ekonomiya ng U.S. Bunga ito ng kanilang pananaw na maging positibo lamang sa mga nais gawin. Pinangunahan ito ng kanilang mahusay na presidente noon na si John F. Kennedy na kung saan marami siyang nais gawin maging ang makapunta sa buwan. Gayon pa man, sa kabila ng kanilang pagiging positibo, gumuho pa rin ang lahat ng kanilang inaasahan. Nagkaroon ng giyera sa bansang Vietnam kalaban ang U.S. Pinatay pa si Presidente Kennedy. Ang kanilang pagiging positibo ay napalitan ng kabiguan.
Noong 1967 naman, isinulat ng dalubhasa sa Biblia na si Jurgen Moltmann ang Theology of Hope. Aklat ito tungkol sa pag-asa na nagmumula sa Dios. Malaki ang kaibahan nito sa pagiging positibo. Dahil nakaangkla lamang sa sitwasyon ang pagiging positibo. Pero ang pagkakaroon ng pag-asa ay nakaangkla at nagmumula sa Dios anuman ang sitwasyon.
Ano ang pinagmumulan ng ganitong pag-asa? May sinabi si Apostol Pedro, “Purihin natin ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Dahil sa dakila Niyang awa sa atin, ipinanganak tayong muli sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo. Ito ang nagbibigay sa atin ng malaking pag-asa na may nakahandang mana ang Dios para sa atin” (1 Pedro 1:3).
Pinagtagumpayan ni Jesus ang kamatayan sa pamamagitan ng pagkabuhay Niyang muli. Ito naman ang nagbibigay sa atin ng pag-asa na mayroong katagumpayan sa kamatayan ang lahat ng magtitiwala sa Panginoong Jesus. Ito rin ang magbibigay sa atin ng pag-asa nang sa gayon makapamuhay tayo sa araw-araw ng may pagtitiwala sa Dios.