Nagsimula ang sikat na nobela at pelikula na Les Miserables sa pagpapalaya sa magnanakaw na si Jean Valjean. Galing na sa kulungan si Valjean noong nakawan niya ng pilak ang isang pari. Pero nagulat ang lahat ng sabihin ng pari na ibinigay niya ang pilak kay Valjean at hindi ito ninakaw. Pero bago umalis ang mga pulis, sinabi nito kay Valjean na hindi na siya dapat gumawa nang masama sa halip gumawa nang mabuti.
Napakagandang pagpapakita ng pagmamahal at kagandahang-loob iyon. Mababasa naman natin sa Bagong Tipan ng Biblia, noong panahon ng Pentecost ay nagpahayag ng tungkol sa pagliigtas ni Jesus si Apostol Pedro. Nagtanong ang mga tao kung ano ang gagawin nila bilang mga makasalanan.
Sumagot si Pedro sa kanila, “Magsisi ang bawat isa sa inyong mga kasalanan at magpabautismo sa pangalan ni Jesu-Cristo, at mapapatawad ang inyong mga kasalanan” (Gawa 2:38). Tiniis ni Jesus ang parusa na dapat tayong makasalanan ang tumanggap. Kaya naman, kung magtitiwala tayo sa Panginoong ay tatanggap din tayo ng kapatawaran at kaligtasan.
Ang nakakamangha sa kagandahang-loob na ito na mula sa Dios ay mapapatawad tayo dahil sa pag-aalay ni Jesus ng Kanyang buhay. Ginamit ng Dios ang napakalaking ginawang kasalanan ng tao na ipako sa krus ang Kanyang kaisa-isang Anak upang iligtas tayo. Ngayon, mapapatawad ang lahat ng ating kasalanan kung tayo ay magsisisi at magtitiwala tayo kay Jesus na siyang ating Tagapagligtas. Lubos nating pagtiwalaan ang Dios na “gumagawa para sa ikabubuti ng mga umiibig sa Kanya” (Roma 8:28).