Pinag-aaralan ni Tim ang mga glacier. Isang araw, habang naglalakad siya sa Root Glacier sa Alaska, may kakaiba siyang nakita. Napakaraming lumot na parang maliliit na bola. Hindi pamilyar sa kanya ang bagay na ito. Kaya naman, sinubaybayan niya ang matingkad na berdeng mga bola sa loob ng maraming taon. Natuklasan ni Tim at ng kanyang mga kasamahan na, hindi katulad ng lumot sa mga puno, ang lumot na kung tawagin ay glacier mice.
Hindi kasi magkakadikit ang mga ito. Sa halip, gumagalaw ito nang sama-sama, tulad ng isang kawan ng tupa. Inakala pa nga nila noon na tinatangay lamang ito ng hangin o gumugulong pababa, ngunit napatunayan nila mali ang mga iyon.
Hindi pa rin nila natutuklasan kung paano talaga gumagalaw ang glacier mice. Isa pa rin itong misteryo, tulad ng kadakilaan at pagkamalikhain ng Dios. Sinabi ng Dios, “magkaroon sa lupa ng lahat ng uri ng tumutubong halamang nagkakabinhi at mga punong namumunga” (Genesis 1:11 MBB) at nalikha na ang lahat. Kasama sa nilikha ng Dios ang glacier mice na makikita lamang sa lugar kung saan ito maaaring mabuhay lamang.
Simula naman noong natuklasan ang glacier mice noong 1950 maraming dalubhasa ang natuwa dito. Tulad ng kung paano nasiyahan ang Dios ng makita Niya ang Kanyang mga nilikha at sinabi Niya “na ito ay mabuti” (Tal. 12 ABAB). Napapaligiran tayo ng mga magagandang nilikha ng Dios, na nagpapakita ng Kanyang kapangyarihan at nag-aanyaya sa atin na sambahin Siya. Masiyahan nawa tayo sa bawat mga puno at halaman na Kanyang nilikha, dahil ito ay mabuti.