Sa mga gabing hindi kaagad nakakatulog ang kaibigan kong si Floss, inaalala niya ang kantang “My Jesus I Love Thee.” Dahil ayon sa kanya nakakatulong ang kanta na maalala niya ang mga pangako ng Dios. Gayundin ang iba pang dahilan kung bakit mahal niya ang Dios.
Napakahalaga ng tulog para sa atin, ngunit minsan talaga mailap ito sa atin. Kaya naman mayroong mga pagkakataon na nararamdaman natin na pinapaalaala sa atin ng Banal na Espiritu ang ating mga nakatagong kasalanan. Gayundin, nag-aalala tayo sa ating trabaho, pakikisama sa iba, mga gastusin, kalusugan, at ating mga anak. Napapaisip tuloy tayo ng kung anu-ano. Dahil dito, hindi na natin namamalayan ang oras.
Ganito naman ang sinabi ni Haring Solomon sa Kawikaan 3:19- 24, para magkakaroon tayo ng mahimbing tulog. Tanggapin daw natin ang mga karunungan at katalinuhan ng Dios sa ating buhay. Sinabi pa ni Solomon, “Sapagkat ito ang magbibigay sa iyo ng mahaba at magandang buhay. Makakatulog ka nang mahimbing at walang kinakatakutan” (Tal. 22, 24).
Baka tulad ni Floss kailangan din natin ang pang-gabing kanta, panalangin, o talata sa Biblia, na tutulong sa atin na ituon sa Dios ang magulo nating isipan. Maghahatid naman ng matamis at mahimbing na tulog sa atin ang pagkakaroon ng malinis na puso na puno ng pasasalamat para sa katapatan at pag-ibig ng Dios sa atin.