Tumakbo bilang pangulo ng bansang Amerika si Aaron Burr noong 1800. Sabik na hinintay ni Burr ang resulta ng botohan. Naniniwala kasi siya na siya ang mananalo. Ngunit, hindi ito nangyari, natalo siya. Dahil dito, nagkaroon siya ng sama ng loob kay Alexander Hamilton, dahil hindi siya sinuportahan nito. Nagresulta ito upang patayin ni Burr si Hamilton. Dahil sa ginawa na ito ni Burr, malungkot at mag-isa siyang namatay noong matanda na siya.
Parte na talaga ng ating kasaysayan ang trahedyang hatid ng paghahangad ng kapangyarihan sa pamumuno. Tulad ni Burr, naghangad din naman si Adonia na maging pinuno. Sa pagnanais niyang maging hari, kinausap niya ang malapit na tauhan ng kanyang ama at namumunong pari, upang gawin siyang hari (1 Hari 1:5-8).
Ngunit sa tulong ni Propeta Natan, naiwasan ang rebelyon na ito (Tal. 11-53). Pinili ni Haring David si Solomon na maging bagong hari (Tal. 17). Nagbalak pa rin si Adonia na agawin kay Haring Solomon ang trono, kaya naman iniutos ni Solomon na paslangin si Adonia (Tal. 2:13-25).
Bakit kaya ugali na nating mga tao na gustuhin ang mga bagay na hindi naman natin pagmamay-ari? Ngunit kahit ano pang gawin natin na pag-abot sa kapangyarihan, karangalan, o ari-arian, hindi pa rin ito sapat. Lagi nating nais abutin ang higit pa dito. Hindi katulad ni Jesus, na “nagpakumbaba at naging masunurin sa Dios hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan sa krus” (Filipos 2:8).