Nagkasakit at kinalaunan, namatay rin ang tatay ng kaibigan ko. Maganda ang relasyon niya sa kanyang tatay. Kaya naman, marami pa siyang tanong sa kanyang tatay. At nais pa niyang makipagkuwentuhan na sana nagawa pa nila. Marami rin siyang mga bagay na hindi pa nasasabi sa kanyang ama. Isa namang mahusay na tagapayo ang kaibigan ko.
Kaya alam niya ang dapat gawin o sabihin upang matulungan ang ibang taong sa pinagdadaanan nila. Subalit, sinabi niya sa akin, “Minsan may mga araw na kailangan ko lang marinig ang boses ni Papa, ang kasiguraduhan ng kanyang pagmamahal. Iyon lang, sapat na.”
Mahalagang tagpo naman sa pagsisimula ni Jesus sa pagpapahayag ng Mabuting Balita ang Kanyang pagpapabautismo kay Juan. Tumutol si Juan na gawin ito, ngunit sinabi sa kanya ni Jesus, “Hayaan mong mangyari ito ngayon, dahil ito ang nararapat nating gawin upang matupad ang kalooban ng Dios” (Mateo 3:15). Kaya naman ginawa ni Juan ang sinabi ni Jesus. Nang matapos mabautismuhan si Jesus ni Juan. Mayroong nangyari na nagpahayag ng katauhan ni Jesus sa lahat ng naroon. Marahil naantig din ang damdamin ni Jesus dahil sa nangyari. Narinig nang lahat ng nandoon ang tinig ng Dios Ama upang bigyan ng kasiguraduhan ang Anak: “Ito ang minamahal Kong Anak na lubos Kong kinalulugdan” (Tal. 17).
Ito rin ang parehong tinig na nagbibigay sa ating mga nagtitiwala kay Jesus ng katiyakan sa ating puso ng Kanyang dakilang pag-ibig sa atin (1 Juan 3:1).