Habang naglalakad, nakaranas si Gary ang pagkawala ng kanyang balanse. Inutusan siya ng kanyang doktor na sumailalim sa isang therapy upang maisaayos ang kanyang balanse. Sa isang pag-eensayo ni Gary sinabihan siya ng kanyang therapist, na “Masyado kang nagtitiwala sa nakikita mo, kahit mali ito. Hindi ka marunong umasa sa ibang parte ng katawan mo na makakatulong sa iyo upang maging balanse ka.”
Ang pangungusap na “Masyado kang nagtitiwala sa nakikita mo” ang nagpaalala sa akin ng kuwento ng pagtatagpo ng batang pastol na si David at ni Goliat. Sa loob ng apatnapung araw, “paulit- ulit na hinahamon ni Goliat ang mga Israelita” na magpadala ng maaaring lumaban sa kanya (1 Samuel 17:16). Ngunit dahil sa nakita ng mga tao, natural na natakot sila. Dumating naman si David sa kampo, dahil inutusan siya ng kanyang ama na magdala ng pagkain para sa kanyang mga kapatid (Tal.18).
Paano tiningnan ni David ang pangyayari? Tiningnan niya ito ng may pagtitiwala sa Dios, hindi sa kung ano ang nakita niya. Nakita niya ang higante ngunit nagtiwala siya Dios na ililigtas siya Nito at ang Kanyang hukbo. Kahit bata pa si David, sinabi niya kay Haring Saulo na “Hindi po tayo dapat masiraan ng loob dahil lang sa Filisteong iyon. Ako po ang lalaban sa kanya.” (Tal. 32 MBB). Sinabi pa niya kay Goliat “Sapagkat ang Panginoon ang makikipaglaban at ibibigay Niya kayong lahat sa amin” (Tal. 47). Ito nga ang ginawa ng Dios.
Magtiwala tayo sa katangian at kapangyarihan ng Dios dahil tutulungan Niya tayong mamuhay ng may pagtitiwala sa Kanya.