Isinulat ng makatang si F. T. Marinetti, noong 1909, ang tulang Manifesto of Futurism. Layon ng kanyang tula na kalimutan na ang nakaraan at tanggapin ang mga makabagong makinarya o teknolohiya. Ipinahayag din sa kanyang tula ang paghamak sa mga kababaihan at pagpupugay sa mga malalakas. Iginigiit pa sa tula niya ang pagkakaroon ng digmaan. At tinapos ni Marinetti ang kanyang tula, sa pagsasabi na “Tatayo tayo sa tuktok ng mundo, at sama-sama nating hamunin ang mga bituin sa kalangitan!”
Limang taon ang lumipas nang isulat ang tula ni Marinetti, nagsimula ang digmaan. Pero, hindi nagdala ng kaluwalhatian ang Unang Digmaang Pandaigdig. Namatay ni Marinetti noong 1944. Maningning pa rin na parang walang pakialam sa nangyayari sa mundo ang mga bituin sa langit.
Kumanta naman patungkol sa mga bituin si Haring David. Sabi niya, “Kapag tumitingala ako sa langit na Inyong nilikha, at aking pinagmamasdan ang buwan at mga bituin sa kanilang kinalalagyan, akoʼy nagtatanong, ano ba ang tao upang Inyong alalahanin? Sino nga ba siya upang Inyong kalingain?” (Kawikaan 8:3-4). Ang tanong na iyon ni David ay hindi dahil sa hindi siya makapaniwala kundi buong kapakumbabaan siyang humahanga sa Dios. Alam ni David na totoong nagmamalasakit sa atin ang Dios na Siyang lumikha ng kalawakan. Kaya naman, binibigyang-pansin ng Dios ang bawat detalye na ating ginagawa sa ating buhay. Ang mabubuti, ang masasama, ang pagpapakumbaba, at ang mga walang katuturan nating ginagawa.
Walang saysay na hamunin ang mga bituin sa kalangitan. Sa halip, hinahamon tayo nito na purihin ang ating Manlilikha.