Sikat na palabas sa telebisyon ang Downtown Abbey sa bansang Britanya. Isa sa karakter dito si Tom Branson, ang drayber ng pamilyang Crawley. Pero nagulat ang lahat nang pakasalan niya ang bunsong anak na babae ng pamilyang Crawley. Dahil dito, naging kabilang na ng pamilyang Crawley si Tom. Nagkaroon din siya ng karapatan at mga pribilehiyo na hindi niya nakukuha noong drayber lamang siya.

Katulad ni Tom, hindi rin nabigyan ng parehong karapatan ang mga hindi sumasampalataya kay Jesus tulad ng taong kabilang sa pamilya ng Dios. Dahil itinuring silang “mga dayuhan o taga-ibang bansa” (Efeso 2:19). Ngunit, dahil kay Jesus, lahat ng mananampalataya kahit ano pa ang pinagmulan, ay nagkaroon nang maayos na relasyon sa Dios at itinuturing ng “kabilang sa pamilya ng Dios” (Tal. 19).

At dahil kabilang na ang mananampalataya sa pamilya ng Dios, may pribilehiyo na siyang “makakalapit sa Dios nang walang takot o pag-aalinlangan” (3:12). Magiging bahagi ng isang malaking pamilya ang mga mananampalataya na nagtutulungan at nagpapalakas ng loob sa isa’t isa (2:19-22). Sa gayon, maunawaan natin kung gaano kalawak ang pagmamahal ng Dios sa atin bilang bahagi ng pamilya ng Dios (3:18).

Ang pagkakaroon natin ng takot at pag-aalinlangan ang nagpaparamdam sa atin na “dayuhan” tayo. Kaya naman, magsisi tayo at magtiwala sa Panginoong Jesus bilang Dios ng ating buhay at Tagapagligtas sa kaparusahan sa kasalanan. Nang sa gayon, magiging bahagi tayo ng pamilya ng Dios at hindi na isang dayuhan. Pakinggan at yakapin natin ang kagandahang-loob sa atin ng Dios (2:8-10).