Ibinahagi ng manunulat na si Marilyn McEntyre ang kuwento ng kanyang kaibigan kung saan niya natutunan ang kasabihang “kabaligtaran ng inggit ay ang magdiwang.” Sa kabila kasi ng kapansanan ng kanyang kaibigan, nagagawa pa rin nitong ipagpasalamat ang bawat pagtatagpo sa ibang tao, bago siya pumanaw.
Nanatili sa akin ang kasabihang “kabaligtaran ng inggit ay ang magdiwang.” Nagpapaalala ito sa akin ng sarili kong mga kaibigan, na namumuhay ng tulad nito, malaya, at totoong masaya para sa iba. Napakadaling mahulog sa pagka-inggit sa iba. Pinalalala kasi nito ang ating kahinaan, sugat at takot, bumubulong ito. Kung sana katulad tayo ni ganito o kung ganito tayo hindi sana tayo nahihirapan o nakakaramdam ng masama.
Ipinaalala naman ni Apostol Pedro sa kanyang sulat para sa mga bagong nagtitiwala kay Jesus na ang tanging paraan para talikuran natin ang mga kasinungalingan ay magpailalim tayo sa katotohanan. At dahil ito sa “naranasan na ninyo ang kabutihan ng Panginoon” (1 Pedro 2:1-3). Maaari na tayong magmahalan ng taos-puso (1:22) sapagkat kilala na natin ang tunay na pinagmulan ng ating kasiyahan ang “buhay at walang hanggang salita ng Dios” (Tal. 23).
Maiiwasan naman nating mainggit at ihambing ang ating sarili sa iba. Alalahanin kung sino talaga tayo. Tayo ay “mga taong pinili at mga mamamayan ng Dios. Pinili kayo ng Dios na maging Kanya.” Tinawag tayo “mula sa kadiliman tungo sa kahanga-hanga Niyang kaliwanagan” (2:9).