Ginulat ng pintor na si Sigismund Goetze ang bansang England sa kanyang ipininta na “Despised and Rejected of Men.” Sa kanyang iginuhit, makikita ang mga taong abala sa kanilang negosyo, pag-ibig, at sa pulitika. Ito ang paraan noong henerasyon ni Goetze upang hamakin si Jesus.
Wala silang pakialam sa Kanya at sa mga paghihirap Niya. Dahil dito, hindi nila napansin ang ginawa ng Tagapagligtas para sa kanila, at hindi rin nila alam kung ano o sino ang nawala sa kanila.
Ganito rin ang sitwasyon sa panahon natin ngayon, marami sa mga nagtitiwala at hindi pa nagtitiwala kay Jesus ang mabilis na nawawala ang atensyon sa Kanya. Paano kaya tayong mga nagtitiwala sa Kanya makakalaya sa pagkalito na ito? Sinabi ni Jesus, “Kung nagmamahalan kayo, malalaman ng lahat ng tao na mga tagasunod Ko kayo” (Juan 13:35).
Sa pagpapahayag ng Magandang Balita sa ibang tao, maaari nating ipaabot ang ating pagmamahal kanila at mailapit sila sa ating Tagapagligtas. Katulad ito ng isinulat ni Apostol Pablo, “mga sugo kami ni Cristo” (2 Corinto 5:20). Sa paggawa natin nito, maipapakita na rin natin ang pagmamahal ng Dios para sa lahat, ang pag-ibig na kailangan natin. Sa tulong din ng Banal na Espiritu, maaari na nating mapagtagumpayan ang mga kalituhan na humahadlang sa atin upang makita ang kagandahan ng pag-ibig ng Dios para sa atin.