Noong 2013, nasa shooting ng Hercule Poirot ang aktor na si David Suchet nang tanggapin niya ang pinakamalaking role ng buhay niya. Sa pagitan ng mga trabaho niya, nag-record siya ng audio version ng buong Biblia, mula Genesis hanggang Pahayag—752,702 na mga salita—lampas 200 oras.
Naging mananampalataya si Suchet pagkatapos niyang mabasa ang Aklat ng Roma sa Biblia na nakita niya sa isang hotel room, at tinawag niya ang proyektong nabanggit na katuparan ng “isang matagal nang pangarap. Determinado ako. Nagsaliksik ako para sa bawat parte at hindi na ako makapaghintay na magsimula.” Pagkatapos, ibinigay niya bilang donasyon ang kinita niya.
Ito ay magandang halimbawa ng pagluluwalhati sa Dios sa pamamagitan ng pangangasiwa sa kaloob, at pagbabahagi nito sa iba. Isinulat ni Pedro ang ganito sa mga mananampalataya noong unang siglo. Pinapahirapan sila dahil sa pagsamba nila kay Jesus at hindi kay Caesar, pero hinamon sila na mamuhay para sa Dios, sa pamamagitan ng paggamit sa kanilang mga espirituwal na kaloob. “Ang binigyan ng kaloob sa pangangaral ay dapat mangaral ng Salita ng Dios” (1 Pedro 4:11). Gaya ng lahat ng kaloob, puwede natin linangin ang mga ito “upang mapapurihan ang Dios sa lahat ng ginagawa natin sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.”
Inalay ni Suchet ang talento niya sa Dios. Puwede rin natin gawin iyon. Anuman ang ibinigay ng Dios sa’yo, pamahalaan mo ito para sa kaluwalhatian Niya.