Maaaring nakawin ng paghihintay ang kapayapaan natin. Ayon sa computer scientist na si Ramesh Sitaraman, ang mabagal na internet ay nakapagdudulot ng kabiguan at inis sa mga tao sa buong mundo. Ayon sa pagsasaliksik niya na kaya nating maghintay hanggang dalawang segundo para sa pagbukas ng isang video. Pagkatapos ng limang segundo, 25% sa atin ang susuko, at pagkatapos ng 10 segundo pa, kalahati na lang ng mga users ang matitira. Ang iiksi talaga ng pasensya natin!
Sinabihan ni Santiago ang mga nagtitiwala kay Jesus na huwag Siyang iwan habang naghihintay sila sa pagbabalik Niya. Ang pagbabalik ni Cristo ay mag-uudyok sa kanila para maging matibay sa harap ng pasakit, at magmahalan at maggalangan (Santiago 5:7-10).
Ginamit niyang halimbawa ang magsasaka para linawin ang punto niya. Gaya ng magsasakang naghihintay ng “ulan at anihan” (Tal. 7) para magkaroon ng magandang ani, inudyukan ni Santiago ang mga mananampalataya na maging matiyaga sa kabila ng hirap hanggang sa bumalik si Jesus. At kapag bumalik na Siya, itatama Niya ang bawat mali at magdadala Siya ng shalom, ng kapayapaan.
Minsan, natutukso tayong iwan si Jesus habang naghihintay tayo sa Kanya. Pero habang naghihintay, “maging handa lagi” (Mateo 24:42), manatiling tapat (25:14-30), at ipamuhay ang katangian at pamamaraan Niya (Colosas 3:12). Kahit hindi natin alam kung kailan ang pagbabalik ni Jesus, maghihintay tayo kahit gaano pa katagal.